Feature: Kcafe Ozamiz story

Sabi nga nila, “When things go wrong, don’t go with them.”

Mayroon akong degree sa Political Science at nagtrabaho sa iba’t-ibang NGOs pagka graduate, ngunit di kalaunan ay naisip ko na magtayo na lang ng sariling business kasama ang aking mga kapatid - at doon na nga nabuo ang Kcafé Ozamiz

Self-confessed matakaw ako, sabi nga nila, isa sa mga motto ko raw sa buhay ay “hahamakin ang lahat makakain lamang”. Never ko naman dineny. Always on the lookout ako sa mga bagong pagkain, kaya siguro hindi na rin kataka-taka na food business ang napili kong pasukin.

Dahil hindi ganun karami ang cafes sa lugar namin dito sa Ozamiz City, naisip ko na why not, baka pumatok naman kung magtayo kami ng cafe business. Gaya ng ibang nagsisimula pa lang, syempre very excited kaming magkakapatid, pero ilang beses na rin ako umiyak dahil sa sunod-sunod na pagsubok na aming naranasan, hindi pa man nagbubukas ang aming negosyo.

At Ilang buwan pa lang mula nang nagbukas ang K Cafè noong 2018, isang pagsubok na naman ang aming kinaharap nang na hold up ang aming cafe, kaya kahit additional gastos man, napagdesisyunan namang mag hire ng security guard para lang masigurado ang kaligtasan ng aming crew at customers. Taong 2020 naman nang tumama ang pandemya kaya napilitan kaming magsara pansamantala. Ilang buwan kaming walang kita pero patuloy pa rin kaming nagbabayad ng space rental.

Pero imbes na magmukmok at mawalan ng pag-asa, tinuon ko ang attention ko na mas pagbutihin ang aking sarili at matuto ng iba’t-ibang skills gaya ng pag be-bake at paggawa ng iba’t-ibang pang home-made food products, na kalaunan ay tinawag naming MontMarias. Ilan sa mga produkto namin ay tea, kimchi, at frozen meat products. Wala mang dine in customers sa cafe namin, malaking tulong ang mga bago naming produkto para kumita kami kahit papaano to keep our cafe afloat.

Looking back, maraming mabibigat na pagsubok man ang dumating, importante ay patuloy kaming bumabangon at lumalaban, hindi lang para sa pangarap namin kundi rin para sa pangarap ng mga part-time students/crew namin, pati na rin ang community urban garden na siyang pinagkukunan namin ng supply ng organic vegetables.

At kung mayroon mang bagay ako natutunan mula sa pandemya, ito ay ang dapat handa tayong sumabay sa pagbabago ng panahon. Huwag limitahan ang sarili natin, dahil an entrepreneur mind is always creative and innovative in their own ways.

Sabi nga ni Steve Jobs, “Innovation is the only way to win” at “Innovation is the ability to see change as an opportunity, not a threat”.



- Ilda Mae Montemor Neri
Kcafe Ozamiz and Montmarias Owner, Ozamiz City

original story from Go Negosyo Featured story: https://bit.ly/3vWj3C6

Comments